"If you hang out with five broke people, you will be the sixth. If you hang out with five negative people, you will be the sixth. but if you hang out with five successful people, you will be the sixth."
Medyo simple lang kung iisipin, di ba?
Pero madalas nating hindi napapansin.
Bakit?
Kasi nga simpleng simple lang. Kaya minsan hindi natin namamalayan o na-aassess kung sino ang mga sinasamahan natin na tao. Hindi natin namamalayan na sila din ang mismong mga tao na nakaka-apekto sa kung paano tayo mag isip, at kung paano mag desisyon sa mga bagay bagay.
Halimbawa na lang, nagkaroon ka bigla ng magandang ideya na gusto mo ibahagi sa mundo na sa tingin mo makakapagpabago ng buhay ng maraming tao, at ikwinento mo ito sa mga kaibigan mong negatibo. Alam mo sasabihin nila sayo? Tatawanan ka nila. Kasi nga negatibong tao sila. At maaring hindi nila makita ang VISION mo kaya ka nila tinatawanan. Chances are, dahil nga negatibo sila, ididiscourage ka nilangipagpatuloy ang iyong mga ideya at ikaw naman, since nakinig ka sa kanila, andyan ka pa rin sa kinalalagyan mong dati. Ang ending? Walang progress na nangyari. Hindi mo natupad ang vision mo. Hindi mo naisakatuparan ang mabuting hangarin mo. Bakit? Kasi nakinig ka sa MALING TAO.
Pero don't worry. Yung worst case scenario pa lang yan. Hindi pa natin tinitingnan yung positibong side. Sabihin nating naikwento mo ito sa isang successful na tao. O kahit sa tao na gusto din maging sucessful o may gusto ring isakatuparan na hangarin gaya mo. Chances are, hihikayatin ka pa nito na ipagpatuloy ang ginagawa mo. Baka nga tulungan ka pa para magawa mo ito ng maayos eh. Hanggang sa matupad mo kung anong hangarin mo. At saka mo lang masasabi na "Buti na lang tama yung taong pinakinggan ko. Buti na lang."
SPONSORED
HIRAP KA BA MAGPAPAYAT? CLICK HERE
Tama ba o tama? Sa buhay dalawa lang naman pwede natin sabihin eh. Either BUTI NA LANG or SAYANG. "Buti na lang at tamang tao ang pinakinggan ko", or "Sayang dahil sa maling tao ako nakinig. Wala tuloy nangyari sa buhay ko". OO. Yan lang naman choices natin eh. Either FLY or DIE. Pero eto malupet. You have two choices, but there can only be one YOU who will make the choices. And in making a choice, piliin mo yung best choice. Kasi sa huli, wala ka din ibang pwedeng sisihin kundi sarili mo. If you become successful, take the credit. You decided to be successful. Same goes kung nagpasya kang makinig sa mali. Ganun lang kasimple.
Kaya ganyan kaimportante ang CIRCLE OF INFLUENCE. At hindi lang basta circle of influence. Dapat yung WINNING CIRCLE OF INFLUENCE. Kasi ito ang isa sa mga magiging motivators mo para makamit mo ang goals mo, or the other way around. Again, dedepende ito sa mga taong sinasamahan mo. Isang magandang halimbawa si Michael Jackson. Nakilala natin siya bilang isang kawili-wiling bata na parte ng Jackson 5. Pero nung nakilala niya si Quincy Jones, doon lang nagsimulang malinang lalo ang angking talento niya. Doon siya nakilala lalo, dahil sa mga kanta niyang Billie Jean, Thriller, Beat It, etc. Isa pang magandang halimbawa ay ang isa sa mga pinaka idolo kong motivational speakers, si Dr. Eric Thomas. Dati na siyang may angking talento sa pagsasalita sa harap ng maraming tao, ngunit hindi pa siya ganoon ka-popular. Nang lumipat siya sa Michigan State University, saka niya lang nakilala sina CJ at Karl na siyang naging brand at marketing genius niya, at video producer ng mga ginagawa niyang motivational speeches. Saka lang siya sumikat ng husto sa buong mundo. Ilan lang ito sa mga patunay na "Your Circle Determines Your Future." Kaya kung gusto mong maging successful pero tingin mo mali pa ang circle na kinabibilangan mo, okay lang yan. Take time to find the right circle, and 99.9 percent of the time, you will achieve your SUCCESS. Make the rest of your life the best of it!
Kung nakatulong sayo ito, don't forget to LIKE and SHARE this para makatulong pa sa mas maraming tao.
Like our page: https://www.facebook.com/Neil-Joshua-Buendia-1652049995069765/?ref=hl
Want to have a WINNING CIRCLE of INFLUENCE?
Work with us now: http://goo.gl/R1lruD
Do yourself a favor. Be the BEAST version of yourself!