LifeHacks On Accomplishing Your New Year's Resolution

New Year's Resolutions
                   Magbawas ng timbang? Check. Tigilan ang pagsisigarilyo? Check. Magsimula ng sariling negosyo? Check. Madagdagan ang kita? Check.
          Nakakapanlumo kung kasing-haba ng shopping list ang dami ng New Year's resolution mo. Dagdag pa sa pagkasadlak pagkatapos ng holidays, ang hindi
pagkakasimula sa mga resolutions mo ng Enero, Pebrero o Marso ay makakadagdag sa pagkabalisa. 
          Gayunpaman, importanteng alalahanin natin na ang Bagong Taon ay hindi dapat magsilbing katalista sa pag aayos ng ating karakter. Ito ay oras para ang mga tao'y magnilay sa  kanilang pag-uugali sa nakaraang taon at mangako na gagawa ng positibong pagbabago sa pamumuhay. “Ang pagtatakda ng maliliit ngunit maaabot na mga tunguhin sa buong taon, kaysa sa isahan, at napakalaking tunguhin sa January 1 ay maaaring makatulong upang makamit mo kung ano man na pinagpupursigihan mo," ayon sa sikolohista na si Lynn Bufka, PhD. “Alalahanin na hindi ang sukat ng pagbabago ang mahalaga, kundi ang pagkilos upang mapansin na ang pagbabago ng pamumuhay ay mahalaga, pati na ang pagkilos patungo rito, nang paisa-isang hakbang lamang." 
Sa pamamagitan ng paggawang makatotohanan ng iyong mga resolusyon, mas malaki ang tsansa na hanggang sa matapos ang taon, na langkap ang isang malusog na ugali sa iyong pang-araw araw na buhay.  
          Heto ang ilan sa aking mga tips sa paggawa ng maayos na New Years Resolution.

START SMALL 

Gumawa ng resolution na sa iyong palagay ay magagawa mo. Halimbawa, kung ang nais mo ay mag-ehersisyo ng mas madalas, mag-schedule ka ng kahit tatlo hanggang apat na araw linggo linggo sa gym sa halip na pito. Kung gusto mo kumain ng mas mabuti, palitan ang dessert ng prutas o yogurt, imbes na tingnan mo ang iyong diet bilang parusa.

CHANGE ONE BEHAVIOR AT A TIME 

Ang hindi malusog na pag-uugali ay nalilinang sa pagtakbo ng oras. Sa gayon, ang pagpalit sa mga ito ng malusog na pag-uugali ay mangangailangan ng oras. Ngunit huwag mabahala at huwag din isiping kailangan mong suriing muli ang lahat sa buhay mo. Sa halip, pursigihing baguhin lamang ang isang bagay ng paisa-isa.



Advertisement --- continue reading below
Know more about Cristine Reyes' Whitening Secrets HERE



TALK ABOUT IT 
Ibahagi ang iyong mga karanasan sa yong pamilya at mga kaibigan. Mainam ding sumali sa isang support group para maabot mo ang iyong mga goal, gaya ng Workout Class sa Gym niyo, o ang grupo ng mga magkakatrabaho na nais tumigil mag sigarilyo. Ang pagkakaroon ng mga taong maaaring bahagian ng iyong mga struggles and successes ay mas makakapagpadali ng iyong paglalakbay patungo sa mas malusog na lifestyle, na hindi gaanong nakakatakot.

DON'T BEAT YOURSELF UP

Let's admit it. Hindi natin kaya matamo ang perfection. Alalahanin na ang maliliit na maling hakbang habang papunta sa goals mo ay normal lamang at OK lang ito. Wag kang sumuko dahil lang sa kumain ka ng brownie o kaya naman nasira mo ang diet mo, o dahil nilaktawan mo ang pag-g-gym ng isang linggo dahil lamang busy ka. Lahat ng tao ay mayroong ups and downs; lutasin mong maka-recover sa iyong mga mali at bumalik sa iyong ruta paunta sa goals mo.

ASK FOR SUPPORT 

Ang pagtanggap ng tulong mula sa mga taong nagpapahalaga sayo at handang makining sayo ay siyang magpapalakas sa iyong kabanatan at abilidad na mapamahalaan ang stress dulot ng iyong resolution. Kung ikaw ay nalalakihan at hindi mo kayang maabot ang goals mo ng mag-isa, mainam na ikonsidera ang paghahanap ng tulong propesyonal. Sa isang dako, ang mga Psychologists ay may katangi tanging paghahasa ng pag-unawa sa ugnayan ng isip at katawan. Maaari silang magbigay ng mga strategy kung paano i-adjust ang iyong goals ng sa gayon ay madali itong maabot, at matulungan ka para baguhin ang iyong masasamang pag-uugali at mapag usapan din ang mga isyung emosyonal.

I hope this article helped you para magawa mo ng maayos ang New Year's Resolutions mo, at maging maganda ang takbo ng 2016 mo. Stay fit, and be UNSTOPPABLE! :)


Like our Facebook page
Want to work with me? YES or No