TOP THREE COMMON REGRETS IN LIFE


“Sana nag umpisa ako ng maaga.”
“Sana hindi ko sinayang yung opportunity.”
“Sana nakinig ako sa aking magulang.”

May mga kakilala ba kayong mga tao na nabubuhay sa panghihinayang?
Wala na atang mas lulungkot pa sa pakiramdam na nasa huli talaga ang pagsisisi.
Sa iksi ng buhay, talagang nakakapang-hinayang kung hindi natin ito susulitin.

Napakabilis lang ng panahon para ipagpabukas natin ng ipagpabukas ang mga bagay na dapat ginagawa natin ngayon.

TOP THREE COMMON REGRETS IN LIFE:

NOT SAVING ENOUGH MONEY

Noong maganda pa ang kita, hindi natin ito napahalagahan, dahil feeling natin wala na itong katapusan. Sa ating pagtanda, hindi na tayo ganun kalakas at kaliksi, kaya malamang hindi na rin tayo makapag-trabaho.

Siyempre, kapag walang trabaho, walang kita. Kapag walang kita, nganga nalang tayo. Ang hirap namang iasa ang lahat sa mga taong nakapaligid sa atin. Salamat naman kung kakalingain tayo ng ating mga anak pero hindi nila tayo responsibilidad lalo na’t may sarili na rin silang mga pamilya. Kaya kung hindi tayo mag-iipon at hindi natin paghahandaan ang ating retirement, araw-araw tayong mangangapa kung saan kukuha ng ikabubuhay natin. Mag-ipon para ma-enjoy natin ang mga huling panahon ng ating mga buhay.

NOT TAKING CARE OF OUR HEALTH

Lagi kong naririnig na sinasabi ng mga magulang ko ang linyang ito, “Aanihin mo yan pagtanda mo”. Kaya naman habang nagkaka-edad tayo ay doon naglalabasan ang samo’t-saring mga sakit. Minsan masyado nating inaabuso ang mga katawan natin. Porket kaya natin, porket wala tayong nararamdaman na masakit, sige lang ng sige, hanggang sa di natin namamalayan na unti-unti na pala tayong nagkakasakit. Kung gusto nating humaba pa ang buhay natin, ingatan natin ang ating katawan. Pahiram lang din sa atin ito ng Diyos kaya dapat nating pahalagahan.



This is an advertisement - Read below to continue
Want to look a few years younger? Know more HERE.

NOT TAKING CARE OF OUR RELATIONSHIPS

When we are on our deathbeds, hindi naman ang mga boss, colleagues, kapitbahay, barkada, business partners o mga clients natin ang nandun para samahan at alagaan tayo. Ang nasa tabi natin para bantayan at kalingain tayo ay ang asawa at mga anak, magulang at mga kapatid. The saddest part here is when you look into their eyes and realize that you should have loved and valued them more than you did. Sana pala naglaan ka ng mas marami pang panahon sa kanila, sana pala naipakita mo sa kanila na mahalaga sila sa iyo, sana pala naiparamdam mo sa kanila kung gaano mo sila kamahal at sana pala noon mo pa na-realize ito nung malakas ka pa at may panahon pa.

Kapatid, hindi pa huli ang lahat. Hangga’t humihinga ka pa ay may pagkakataon pa para itama ang mga pagkakamali mo at gawin ang mga dapat mong gawin. Huwag mo nga ipagpabukas ang mga bagay na pwede mo naman gawin ngayon. Now is the time! Not tomorrow, but today. Hindi natin alam baka bukas huli na ang lahat.

THINK. REFLECT. APPLY.

Nagsimula ka na bang mag-ipon?
Anong mga ginagawa mo para mapangalagaan ang kalusugan mo?
Ipinapahalagahan mo ba ang relasyon mo sa iyong pamilya?

Blog by Sir Chinkee Tan

Kung gusto mong malaman kung paano mag umpisa ng tama, panoorin mo itong video na ito: http://bit.ly/1KpVB3K